Sunday, October 28, 2007

Scandal

Kaibigan ito ang isang paksa na alam ko at alam nyo rin na gusto nyo pag usapan...lalong lalo na ang mga mapupusok na kabataan ngayon sa ating henerasyon... ano ba talaga ang pinaka dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa mga gantong klase ng mga immoral na gawain? isa ba itong klase ng paraan para maipakita sa ibang tao ang kanilang nadarama...sa pamamagitan ng pag kuha ng larawan at bidyo gamit ang kanilang telepono...makatarungan ba na gawin nila yun? sasang ayon ka ba sa mga taong gumagawa ng mga kalaswaan na yun? sa tinigin nyo ano kayang klase ng demonyo ang pumasok sa mga kokote ng mga taong yun? naisip pa kaya nila na may mga ina rin sila? upang matulungan tayo mabigyan linaw sa ating isip ang mga tanong na gumugulo sa ating buong kaisipan e nag imbita ako ng mga bisita upang talakayin at malaman ang kanilang opinyon sa na sabing paksa...narito na siya...isang batikang makata ng bansa si ginoong MIKERAPPHONE...palakpakan po natin siya...narito ang kanyang salaysay na binatay sa aking mga tanong...

(FLEX)SANG-AYON KA BA NA DAPAT PANG I-BIDYO ANG PAG DAOS NG KAHALAYAN NG 2 MAG KATRATO? BAKIT? O BAKIT HINDI?

(MIKE)sang ayon akong i video nila ito bilang karapatan nilang dalaawang magkatrato, pero dapat lang ito sa mag asawa, at gamitin lang ito sa kanilang PERSONAL belongings

(FLEX)ISA KA BA SA MGA TUMATANGKILIK SA MGA GANTONG KLASE NG KAIMORALAN?

(MIKE)nakakapanood ako ng mga ganito, dahil sa tao ako, nakakaramdam ako ng pakiramdam na panglaman dito, pero hindi ko ito tinatangkilik dahil nakakasama ito lalo na dahil sa nanggagatong lang to ng masamang edeya sa tao

(FLEX)NAKARANAS KA NA BA NA I-BIDYO ANG IYONG KAHALAYAN UPANG ISAMBULAT SA MADLA?

(MIKE)hindi pa, at wala akong planong gawin ito, dahil walang kabuluhang ipakita mo ito sa madla, pwera na lang kung may sakit ka sa utak. (based sa psychology) ang mga gumagawa ng mga ganitong video ay mga low ang self steem, at ginagamit nila itong paraan para tumaas ang ego nila.

(FLEX)KUNG SAKALING IKAY DI NAG MAMALINIS ANO ANG YUNG PABORITONG BIDYO? AT BAKIT MO ITO NAGUSTUHAN?

(MIKE)sa ganyan naman hindi na ako namimili ng paborito eh, kung ano ang makita ko, ang alam ko, nakakapagdagdag tukso ito, pero wala sa ngayon akong maisip na masasabi kong PABORITO ko.

(FLEX)ANO ANG IYONG MAIPAPAYO SA MGA KABATAAN NA GUMAGAWA NG GANTONG KLASE NG MGA GAWAIN?

(MIKE)alam mo bro, ang payo ay binibigay sa mga naghahanap ng magandang pagbabago, ang mga taong gumagawa nito ay walang hangad sa pagbabago. hidni nila kailangang mapayuhan ng kahit sino hanggang wala silang hakbang, dahil nasa kanila mismo ang sagot, hindi lang nila ginagamit.

salamat sa mga tanong at sana i post mo to, salamat ng madami, pasensya na sa mga mao-offend, naniniwala ako sa tama at mali, ayoko maging hipokrito, nakakapanod ako ng mga ganito, pero hindi ko ito inirerekomendang magpatuloy, magandang umaga/tangali/hapon/gabi/madaling araw sa inyo

Ito naman kaibigan ay galing sa ating kapatid na si ABNOY...ito ang kanyang tugon sa aking mga katangunan...halika saksihan ninyo...ito na siya...palakpakan po natin siya...

(FLEX)SANG-AYON KA BA NA DAPAT PANG I-BIDYO ANG PAG DAOS NG KAHALAYAN NG 2 MAG KATRATO? BAKIT? O BAKIT HINDI?

(NOY)ako ay tumatangkilik sa kahalayan ng pag tatala ng mga kaugaliang sexual sa magkatrato sa pamamagitan ng makabgong pamamaraan ng bidyograma.. dahil ito ay isang likhang aangkop sa ating bagong pamumuhay. bagaman ay eto ay isang uri ng isang kahalayan at kamunduhan, ito ay nagbiigay ng aral sa ating mga kabataan dahil sa mensaheng naidudulot nito sa ating sosyalidad at kakayahang sexual.

(FLEX)ISA KA BA SA MGA TUMATANGKILIK SA MGA GANTONG KLASE NG KAIMORALAN?

(NOY)sa kadahilanang akoy may pagkalibog ay tuimatangklik ako sa mga ganitong kahalayan. pero para saakin ay hindi ito maituturing na kahalayan kungdi ay isang kaanyuan ng isang sinng sa bidyograma.

(FLEX)NAKARANAS KA NA BA NA I-BIDYO ANG IYONG KAHALAYAN UPANG ISAMBULAT SA MADLA?

(NOY)ay hindi pa.. sa takdang panahon.. kami ng aking katrato ay lilikha ng naangkop na kamunduhan.. at papakita namn sa karamihan ang hiyas ng kabataan.

(FLEX)KUNG SAKALING IKAY DI NAG MAMALINIS ANO ANG YUNG PABORITONG BIDYO? AT BAKIT MO ITO NAGUSTUHAN?

(NOY)ang gusto ay ang ang sining na kahalayan ng dalawang lalaki

Thursday, October 18, 2007

Tribu



Kaibigan nais ko sanang ihandog sa inyo ang isang pelikula na hango sa tunay na buhay ng mga taong kung tawagin ay hari ng lansangan...ang tinutukoy ko dine ay yung mga "gangsta" sa lugar ng mga matitigas yun ay ang tondo...tampok dito ang mga ibat ibang klase ng typikal na tao na di tunay at propesyonal na aktor sa loob mismo ng tondo...isinaad dito sa pelikulang ito ang mga nangyayare sa likod ng mga tunay na buhay ng mga gang...isa na dito ang pag susugal, alak, babae, rap at krimen...kasama rin dito sa pelikula ang mga sikat na mangangawit at makata sa bansa na sina loonie at ron ng stick figgas, dice ng mobbstar,god's will at jamir garcia ng slapshock...na siyang nag bigay anghang sa pelikula...pinarangalan itong pelikulang ito bilang best film sa nakaraang cinemalaya 2007...naway mag bigay leksyon itong pelikulang ito sa mga kabataan na gusto pasukin ang madilim na mundo ng gang...salamat kaibigan!

Monday, October 15, 2007

Sino ba ako, ako ba sino?

Sino ba ako, ako ba sino?isang tipikal na lalaki o adonis sa paningin ng mga bading na nag pipilit lumipad ng matayog ngunit di makalipad...para bang ibong pipit na naka kulong sa loob ng iyong damdamin...gustong sumigaw ngunit ibinusal ng mga guerilla upang apihin at lapastanganin...kung baga sa kanin ako yung tutong na gustong gusto ng mga dukha para maipalaman lang sa kumukalam nilang sikmura...laging mura kasi pag kataoy mababa at simple...parang pardible na dahan dahan sinasaksak sa mga balat na kay babaw...ang aking pawis ay nag mistulang sabaw na nag palasa sa aking pag katao...mabaho at marumi sapagkat bakas sa aking katawan ang bawat latay at hagupit na parusa sa aking kasalanan...sa aking mata mababakas ang poot at galit na nag mumula sa king dibdib...maraming di bumilib at naniwala sa aking kakayahan kaya akoy pinagtawanan...masayang masaya parang pista ng santa clara inihain ang dugo ibinuhos sa mukha ng dukha para magising sa katotohanan...ngunit sa kabila ng pag hihirap di lumapat ang ginto at pilak sa king kamay na puno ng lupa at aking likod na puno ng yapak ng mga marumeng sinelas ng mga hudas...sa aking pag bangon at pag harap sa liwanag na daan...sana matagpuan ang tubig na nag mula sa ginituang balon...na siyang mag aalon sa akin patungo sa buhay na iyong pinangako...

Kaibigan isinalin ko lang ang katas na nag mumula sa aking utak na marupok...upang maisahad ang nilalaman ng aking puso at isipan

Sunday, October 14, 2007

Pag sara ng pinto

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kaibigan malapit na pong ilabas ang matinding pasabog ni don-g belgica na mas kilala sa pangalang don-g corleone isang makata ng lansangan at maituturing sakit sa pwet ng mga makata dito sa bansa...sa petsang kinse ilalabas itong kanyang mga kanta...na sanay tangkilikin ng bawat mamayang pinoy o maging sa ibang bansa...huling biyahe mo na toh kaibigan pasok na bago mag sara ang pinto...

Yun na!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kaibigan! Nais kong ibahagi sa inyo itong isang grupo ng mga baliw sa mundo ng kainternetan na nag ngangalang "yun na" nabasa mo kaibigan yun na nga! walang kadudaduda...itoy hindi lamang sa loob ng pinas kundi sa buong mundo...saksi ang lahat sa kabaliwan ng bawat mamayang pinoy at ultimo mga egoy nakisawsaw na rin sa toyo ng pinoy...maalat man pero malasa pa din kaibigan! kung nais ninyong masaksihan ang bawat pirma o lagda ng ibat ibang klase ng tao na bahagi nitong grupong ito mangyare lamang na puntahan itong website na ahre...yunnaboys.multiply.com salamat kaibigan!

Sembreak

Sembreak nanaman kaibigan...muli nanaman natapos ang kalahati ng isang yugto sa buhay ng isang estudyanteng pulpul...sa ngayoy wala pa namang malinaw na plano para sa isang kaganapan o konsyerto na maaring maganap sa kin...pero titiyakin kong mapupuno at aawas ang timba ng galak sa bawat araw na dadating...sapagkat ang aking balikat ay animoy nasampahan ng sampung demonyo...sa hirap at pagod na dinanas noong nakaraang semestre...sa puntong itoy masasabi kong may galak sa aking buong pangangatawan...sapagkat napaka inam ng pagkaka lapat ng aking pangangatawan sa aking munting papag...na hindi ko naisagawa ng maayos nung akoy na sa puder ng eskwelahan...

Bating Panimula

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

musta kaibigan? nais kong ipabatid sa madla ang aking mga saloobin...samahan nyo ako sa aking pag lalakbay...ilalahad ko dito ang bawat silakbo ng aking damdamin...mga himutok, mga nag lalagablab na poot na sa aking dibdib...na animoy mga plastik at bakal na sumisira sa aking kumakalam na sikmura...kaya halika...usap tayo!