Wednesday, April 30, 2008

Dahil binasa mo toh

Kaibigan musta? muling nag babalik ang inyong lingkod...mister puto po...ibabahagi ko lang itong isang bagay na aking napansin sa mga regular na nag ppost sa frenster...ito yung post na kelangan ka pumili ng isang titolo kung hindi ay may mangyayare sayo...sa pamilya mo...buhay pag ibig...at kung ano-ano pang katarantaduhan...tama ba na idamay mo ang mahal mo sa buhay para lang matuloy pag ppost mo ng kagagohan na ito...pasyensya na kayo mga kaibigan alam ko napaka babaw lang nito para pag usapan...sa aking opinion kasi ay sala sa hulog itong mga bagay na ito...pwede naman na gumawa ng ibang mga bagay na may kabuluhan yung bang masisiyahan ang lahat di yung pipilitin o ppwersahin mo ang mga tao na ipost yung titolo na yun...may pa banta-banta pa na nakahain sayo...sabihin nanatin na wala naman mawawala kung ipost mo yun...pero sana wag nalang idamay ang mga tao sa paligid mo di ba? pano nalang kong mag dilang demonyo ang mga post na ito at isa isang mamatay ang mga kamag anak mo...ano sa tingin mo ang mararamdaman mo? sa tingin mo maka harap ka pa kaya sa pc mo? at mag post ulit ng ganon? pag isipan mo kaibigan...madame pwede gawin sa mundo ng net bukod sa mga pag ppost ng mga katarantaduhan na ito...narito ang sampol ng tinalakay kong paksa...


DAHIL BINUKSAN MO TOH!!!!!!!
may masamang mangyayari sa love life
mo or kaya sa buhay mo kaya dapat i-
repost mo toh... PUMILI KA NG TITLE SA
BABA!
1. sya ba ang pinalit m sakin?!
2. mas sexy ako sayo!
3. close tau?
4. penge boyfriend
5. penge girlfriend
6. sex tau!
7. virgin kapa?
8. cnung supot?!
9. hindi ka kawalan
10. madami ako pampalit sau
11. tae,, inagaw m bf ko!
12. tae,, inagaw m gf ko!
13. im hotter than you
14. shut up! kabit ka lang
15. yaeh na,, sawa na nmn ako sau..
16. wala akong pakealam
17. kakasawa ka..
18. puro ka salita!
19. minahal kita?! asa ka..
20. im irreplaceable
21. sinung kasex m kagabi?!
22. i don't love you.. cnu bang
ngsabing
mahal kita?!
23. may kapalit kana.. wag kana umasa..
24. single ako.. pake mo?
25. wag ka na mgselos..
26. ok.. un lang un??
27. pakealam ko!!
**Pls post this in 1 minute OR
something bad will happen to you

Monday, April 21, 2008

Sarbey ( sagot sa taong nababato? )

Kaibigan kung mapapansin mo sa frenster bulletin ano po...ito ang laging sasambulat sa mga mukha nyo...ito ang sarbey...nag lalaman ito ng mga katanungan na malaya mo namang pwedeng sagutan...dito mo minsan makikita ang mentalidad ng isang tao yun e kung seryoso nyang pinunan ang mga patlang...di pampalipas oras lang...sapagkat may mga sarbey naman na may kabuluhan din ang mga tanong...nasasayo na yun kaibigan...sa aking tingin yung ibang nag sasagot sa mga ganitong sarbey e talagang wala lang magawa na kapakipakinabang...kung tutuusin marame ka pwedeng gawin maliban dito kaysa sagutan mo ang mga tanong sa sarbey ngunit ang mga sagot mo namay taliwas sa tunay sagot e parang niloko mo lang ang sarili mo at bukod dun sinayang mo lang ang kuryente at pera nyo...di ba? di ko nilalahat...pero minsan babanasin ka talaga sa mga toh kasi yung mga sagot nila parang wala lang...may magawa ka lang...kung umuwi ka nalang at tinulungan mo ang magaling mong ina edi natuwa pa siya sayo di ba? di yung pa ungas ungas ka sa pa fflood ng mga sarbey na puro walang sustansiya ang sagot...ito ang sample ng sarbey...


SURBEY na BORING
1.)Anong song ang pinapatugtog mo
ngayon?
- wala..

2.) San ka galing kanina? anong ginawa
mo?
- lumafang..

3.) Sinong huli mong nakausap sa
phone?
- si ano...

4.) Sinong iniisip mo ngayon?
- k.....n

5.) Happy ka ba ngayon?
- uu

6.) Kamusta naman ang life mo?
- k lang

7.) Mabilis ka bang magsawa?
- ndi nmn

8.) Gusto mo bang makipagtelebabad sa
telephone?
- oO!

9.) Sinu ksama mo ngayon?
- mAg Isa Lng

10.) Pagod ka ba ngayon?
- antok lng

11.) Saan ka pupunta ngayon?
- sa haus LnG

13.) Mahilig ka ba sa surprises?
- yUp!

14.) Anong gusto mong gawin ngayon?
- matulog

15.) San mo gustong pumunta?
- uHm...La WeH

16.) Umiinom ka ba ng mga alcoholic
drinks?
- sumtimes..

17.)gusto mo makulit o pasaway?
- makulit

18.) eh Malambing o mataray?
- Ha?

19.) Anong fave mong drink?
- Mango Juice

20.) Adik ka ba sa siopao?
- Nah

21.) Anong feeling mo pag may kausap
ka sa phone?
- depende sa kausap

22.) Anong kanta ang nasa isip mo
ngaung buong araw?
- alaws!

25.) Ano ang huling natanggap
mong remembrance?
- ahmm..pix

Isda sa aquarium

Kaibigan ano sa tingin mo ang buhay ng isang isda sa loob ng aquarium? sa tingin mo masaya siya? ito ang kwento akoy nanigarilyo sa labas ng bahay namen at akoy napatapat sa aming aquarium nag iisa lang siya kaibigan nilapitan ko siya tinapat ko ang mukha ko sa aquarium tinanung ko siya kumusta ka? masaya ka ba? wala siyang imik patuloy pa din siya sa pag langoy...ngayon naisip ko kung tayong mga tao minsan ay tamad na tamad sa ating mga buhay...pano pa kaya ang mga isda? di ba kaibigan? ok lang kung na sa dagat kasi doon nag titipon ang mga mag ttropang isda...ngunit pano kapag nag iisa sa aquarium...pano na? minsan naisip ko na lagyan ng gimikan ang loob ng aquarium...para kahit papano e maaliw naman ang aking isda...kahit bilyaran lang o tv man lang para makapanuod at makapag aliw siya di ba? kumpara sa ibang mga hayop na malaya na nakakagala gaya ng aso at pusa...ang isda ang isa sa mga hayop na nakakaboryo ang buhay...isa pa wala silang ka imik imik pakiramdaman lang palagi...pero kung tutuusin may positibong aspeto din kasi tignan mo payapa at malaya ang isda di gaya ng tao kaliwat kanan ang problema sa buhay e ang isda nag hihintay lang ng kakainin tas langoy ulit parang natutulog lang kaibigan walang ka proble-problema sa katawan...di ba?

Init

Putangeena kaibigan ang init...iyelo nga...iba talaga pag ganitong summer...para kang karne na naka-babad sa kumukulong tubig...kahit mga singit-singit koy nag tutubig...yung kili-kili ko parang gripong bukas walang patid sa pag bagsak ng pawis...naiisip ko kung pwede lang mag prito gamit yung pawis ko ilang buwan siguro kami makakatipid sa langis ano po? swimming? ice cream? malamig na tubig? yan daw ang kadalasan na pang tangal init...pero para sa akin ang the best mag kulong kayo sa refrigerator nyo kaibigan...subukan nyo minsan masarap...lol! aminado ako isa akong galang aso sa tanghaling tapat ngunit di na nakakatuwa ang init kaya pinag papaliban ko na minsan ang aking mga lakad sa mga ganong oras at pag kakataon...hinayaan ko na muna humupa ang init at sa pag kagat ng dilim ayan na rampa na ang lolo nyo...cheleet!

Ahit o Bunot

Kaibigan kumusta? kumain ka na ba? kung oo isuka mo na...lol! mangyare kasi kaibigan ay ganito akoy nangulangot at may nadakot akong buhok kasama nung kulangot kaya ayun lumitaw ngayon ang paksa ko...buhok...madame tayo nyan sa ibat ibang parte ng ating pangangatawan...ngayon...ito medyo nabagabag lang ako pag nakakakita ako ng mga bebot na biglang nag taas ng kamay sabay lumitaw yung mga halamang ligaw nila sa kanilang kili-kili meron namang iba na sagad sa linis na animoy kawawalis lang...ano kaya ang mas pinapaboran nila ahit o bunot? kung ako ang papipiliin mas gusto ko yung bunot para may kiliti...kasi pag ahit walang thrill di ba kaibigan?...pag binunot mo kasi para lang nag bubunot ka ng puting buhok ng mga lola nyo na piso kada puting buhok ang presyohan...may nag sasabi na nakaka-cancer daw yung pag binubot mo yung buhok sa kili-kili...e ano pang magagawa kung nabunot na di ba? kaysa naman hayaan na lang na gumapang yun di ba? mas karurume yun lalo na sa parte ng babae...ngayon ang tanong ng taong bayan ahit o bunot? kayo na mag husga! at simulan na ang debate...salamat kaibigan...

Sunday, March 23, 2008

Mister preggie



Kaibigan kumusta? tagal nanatin di nag sasalinsalin ng mga haka haka at kwento kwento sa buhay ah...kaya narito akot nag balik upang mag bigay sayo at sa iba pa nating mga kasamahan ng bagong impormasyon...nais ko lang ibahagi sa inyo itong isang tao na talaga namang puno ng katatawanan sa katawan na kahit akoy nakiliti sa mga banat nyang natural...si mister preggie isa siya komedyante dito mundo ng kainternetan...kung titignan mo ang kanya site ay talagang nanaisin mo na wag nalang ituloy ang pag bubukas ng site na yun...para bang mag sisi ka at napuntahan mo pa ang site na yun...sapagkat sasambulat sa inyong mukha ang isang madungis mataba na di mo alam kung tao ba o hayop...malilito ka talaga kaibigan...ngunit kung pag tutuunan mo ng pansin kahit mga ilang minuto lang ay masisiyahan ka...sapagkat di mo aakalain na may ganito palang klase ng tao...na makagagawa ng ganong bagay...sa ibang vidyo nya mapapansin mo na may mga nakapaloob na mahalay ngunit di halatang kabastusan at kapilyohan...dyan pumapasok ang "humor" kung tawagin...ibat iba ang kanyang paksa na hinaluan nya katatawanan...maituturing mo siya na malawak ang pag iisip sapagkat lahat ng pwedeng mapag tawanan ay kanyang naiisip nakapaloob sa kanyang site ang lahat ng vidyo na nag lalaman ng kanyang paksang katawa tawa...halika kaibigan ating pasukin ang kanyang site ito itype www.mrpregnant.com salamat kaibigan...

Saturday, March 15, 2008

Dapa Marquez Dapa

Photobucket



Kaibigan naririto nanaman po ang inyong taga pag lingkod kuya noel po kaibigan...nais ko pong ipabatid sa inyong lahat ano man ang kulay at lahi...na ipinag mamalaki ko ang ating kampeon na si ginoong manny pacquiao sa kanyang pag kaka panalo sa kanyang laban kay ginoong manuel marquez...sa unay nadama ko ang kaba at tensyon sapagkat iba na ang dating ng laban aminado ako sa nakita ko sa laban may pag ka dehado ang manok ng pinas umulan ng suntok mula kay marquez...bumaha ng dugo sa mag kabilang panig...kung mapapanood mo kaibigan yung laban talagang maiinit ang sagupaan ng dalawa animoy mga asong gutom kung lumapa...mapapansin mo ang pwersa ng bawat binibitawang suntok...di nag kakalayo ang mga tama ng dalawa...kung tutuusin dehado ang manok natin sa puntos sapagkat marameng tinamo si manny na suntok na solido na nag mula kay marquez...sa kabilang banda maituturing din natin si marquez na isang mandirigma sapagkat bumangon pa din siya nung kinain nya ang kamao ni manny nung 3rd round di rin siya nag padaig pinag laban pa rin nya hanggang umabot na sa huli yugto kita mo na medyo nahirapan ang pambansang kamao dahil sa kapal ng bodega ni marquez at matinding balihaw ng suntok...ngunit kita mo kay manny ang determinasyon upang maiuwi sa bansa natin ang karangalan kahit alam nya na medyo tagilid siya sa laban...di nag pa daig pinakita ni manny na talagang iba ang dugo ng pinoy sadyang matatapang...bumagsak man ng ilang beses tatayo at tatayo pa din...di umaatras...iba talaga pag pinag hirapan mo kaibigan talagang bubunga ng maganda...kaya binabati kita ginoong manny pacquiao salamat at hindi mo kami pinahiya...laban mo...laban ng sangbayang pilipino...itaas natin ang ating bandila! mabuhay ang pilipinas!!!

Tuesday, March 11, 2008

Laman kinuha ng laman

Gang selling human parts seizes 30 kids?

Many families in Batangas are in a state of anguish over the disappearance of their children.

Report said at least 30 children in the province have been missing and feared kidnapped by a syndicate selling human parts.

Chief Supt. Ricardo Ilagan Padilla, Region 4A police director, said he has ordered an in-depth investigation of the mysterious incidents that finally caught his attention after this reporter and a colleague from the media sought clarification from him.

Padilla said he has alerted the police directors of Batangas, Cavite, Laguna, Rizal and Quezon after receiving reports that at least two toddlers were reported missing and believed to have been abducted by a crime syndicate in Ibaan, Batangas.

There were already reports of the mysterious disappearance of scores of toddlers particularly in several towns of the eastern section of Batangas who may have been victimized by the syndicate.

The two who are still missing were identified as Patricia M. Patena, five years old, and Fatima V Bosita, 6, who both left their houses in Poblacion, Ibaan last Feb. 19 but failed to return their houses since then.

The worried families of the missing kids sought police help in view of an alarming report that scores of toddlers are also missing in the neighboring towns of San Jose, Ibaan, Padre Garcia and Rosario, all located in the eastern part of Batangas.

They feared about a persistent report that a dreaded syndicate said to be involved in selling body parts particularly eyes and internal organs may have been involved in the disappearance of their kids.

Padilla said he is still verifying the parents’ claim that their children had fallen victims of the same crime ring who allegedly make huge money out of selling human eyes and other body parts to potential buyers in Metro Manila and even in other countries like the U.S., China, Japan and Taiwan.

It was gathered that the syndicate usually strikes in the early afternoon until early evening and police said they are verifying reports taht about thirty toddlers have already been victimized by the gang in the said Batangas towns.

Padilla said that if the reports are true, he will not hesitate to use all necessary measures to address the problem that has already alarmed Batangas folks.

Kuya noel says...

Putangina kaibigan pati ba naman laman loob ng tao binebenta na rin...ganyan na ba ka desperado at kahirap ang ating mga kababayan? ayon sa aking mga nasagap na impormasyon puro daw minor ang binabanatan ng mga switik na sindekato na toh...ano kaya ang pumasok sa isip ng mga halang na bituka na toh at nakuha nilang gawin itong mga kalunos-lunos na gawain na toh? sabihin nanatin na kapit sa patalim pero hindi ba nila naisip na walang kinalaman ang mga biktima nila sa kanilang problema...ano ba talaga ang gusto nila patunayan sa madla? na talagang sagad sila sa kademonyohan? yan ba ang gusto nila ituro sa mga susunod na henerasyon ang maging isang criminal at talamak sa pagiging hayop? sana naman masolusyonan na agad bago pa maubos lahat ng tao...sana naman maawa kayo sa mga naging biktima...sana isama natin sa ating dasal ang kaluluwa ng mga biktima...sana...sana...sana...kaibigan...

Monday, March 3, 2008

Results

Photobucket

Sila po ay ilalabas at ipapakilala sa isang makabuluhang album na sa tingin koy
makakatulong mag angat ng lebel sa musikang atin nang niyakap at minahal. Abangan din sa youtube ang performance ng mga nanalo para malaman din kung pano at bakit sila ang napili.
Kung kasing galing nyo lahat ng papalit sa henerasyon namin, nasa mabuting kamay na
ang Hip-Hop sa pilipinas. Dahil sa pito lang ang napili at hindi sampu.

MAGKAKAROON NG "BLIND RHYME AUDITIONS part 2 " para sa natitirang 3 slots.

Date and Venue will be announced later.
Registration will start on March 3,2008
for early registration: look for Lanie ( tel# 3841946 )
c/o Tapsi ni pasing- kainan ni joseph strata
Ground Floor, Strata 2000 Building,Garnet Road,
Ortigas Center,Pasig City.
(beside PLDT emerald avenue)
Monday-Saturday (7AM-7PM only)

-Denmark (Blind Rhyme Prod.)

Monday, February 11, 2008

Blindrhyme productions audition

Photobucket

blindrhyme productions audition

blindrhyme productionsblind rhyme
productions will hold a
ONE DAY ONLY audition for rappers solo
or group

para sa mga hindi bumitaw,
para sa lahat ng nag antay……

blind rhyme productions presents……

"The Blind Rhyme compilation audition"
one day to impress, 10 lucky will be
chosen . . . .

February 24,2008 (Sunday)9:00am-11:59pm
venue:
Kainan ni Joseph Strata
Ground Floor, Strata 2000
Building,Garnet Road,
Ortigas Center,Pasig City.
(beside PLDT emerald avenue)

no age limit, no gender limitations….

the judges are:
Klutch B. of chinese mafia
Quaizy Mad Illeon of madd poets,
Kemikal Ali of bb clan,
and Darmo Kandado.

registration fee: P100 for solo, P150
per group

NOTE: Only sixty (60) groups will be
auditioned, so register early,
first come first serve.

the chosen artists will be
introduced / featured
in the blindrhyme compilation album
scheduled for release
on June 2008.

"bring your skills….leave your bling
home."

baka ito na inaantay mo…….please pass.

thankyou and good luck sa lahat,

Denmark Repuyan C.E.O. Blindrhyme
Productions

______________________________

for early registration: look for Lanie
c/o Tapsi ni pasing- kainan ni joseph
strata
Ground Floor, Strata 2000
Building,Garnet Road,
Ortigas Center,Pasig City.
(beside PLDT emerald avenue)
Monday-Saturday (5pm-11pm only)

Sunday, February 10, 2008

Babae

Kaibigan nakuha ko itong isang post na toh sa aking friendster bulletin na nag mula sa ating kapatid na si duanesis ( apokalipsis ) na ang pamagat ay "Bakit ba LAGING mga BABAE na lang parati ang SINISISI sa RELATIONSHIP?" batay sa aking mga nabasa ay pawang katotohanan ang lahat ng salaysay na naka paloob sa post na ito...sana pag katapos ninyo basahin lalong lalo na ang mga kalalakihan ay maliwanagan sila...na minsan bilang lalaki meron rin tayong mga pag kakamali na kadalasan sa mga babae na natin ipinapasa ang lahat ng pag kakamali kahit na alam naman natin na tayo ang mali ito na siya pag bilang ng tatlo...ieere ko na toh...isa...dalawa...tatlo...

Ang BOYFRIEND nga naman..
Bakit pag ang BF mo nakita ang EX mo
sa party na pinuntahan nyo at nainis
sya, UNDERSTANDABLE, pero pag ikaw
ang nailang sa EX nya, MAARTE KA!
Tapos pag ang BF mo hindi ka mahanap
sasabihin LAKWATSERA KA, pero PAG SYA
naman HINANAP mo, POSSESSIVE KA! Saka
bakit pag MAGANDA GF nila dapat sa
Friday's, Manila Hotel, o kaya sa
Shangri-La pa! PERO PAG PANGET: "Ikaw
na magsaing ng kanin mo! lamon ka ng
lamon kaya ka MINAMANAS! Magtyaga ka sa
SARDINAS! Natutulog ako D2 ISTORBO ka
naman eh!". TAENA! LOLS!!

Pag ang BF mo TAWAG NG TAWAG sayo
CONCERNED sya, pero pag ikaw ang
tumawag, MAKULIT KA! pota! laugh trip!
pag ang BF mo laging naka-embrace at
kiss sayo sa PUBLIC, AFFECTIONATE sya,
pag IKAW naman ang laging NAKA-HUG,
Tingin nya syo PokPok! SALAULA! "PDA"
Walang Modo at wala ka raw hiya sa
tao! putcha SAPAKIN MO! haha! NABASAG
TAMA KO DYAN! Tapos pag bf mo palaging
NAGYAYAYA MAG-DATE kayo, SWEET sya,
pag IKAW NAGYAYA.. DEMANDING ka, saka
MAGPAPALIBRE ka lang! PWE! Yayain mo
TUMALON sa MT. BANAHAW!! At saka pag
ang bf mo laging sinasabi na LAB KA
NYA, ROMANTIC sya, pag IKAW na ang
nagsabi.. PATAY NA PATAY KA sa KANYA! =)

ETO PA! Bakit pag ang JOWA mo
NAGLALAWAY sa FHM, NATURAL lang, pero
pag ikaw KINILIG kay CHANNING TATUM..
MALANDI KA RAW?! wahahaha!! Tapos pag
NAG-OFFER sya MAGHATID-SUNDO sayo
PROTECTIVE sya, Kapag IKAW.. TAMANG
HINALA KA!! Hahaha!

Saka e2 ang Klasik! Pag MAGANDA
GF: "ay, ur sick, honey? cge, i'll
just visit u l8r, ha? aalagaan kita".
Pag OPPOSITE: "Aww ganun ba baby? oh cge
pagaling ka po k? wag ka lalabas ng
bahay ng 3 months ha! Baka MAHAMUGAN ka,
saka ITAGO mo na yang CP mo wag ka muna
MAGTETEXT-TEXT, me na lang MAGTE-TEXT
sayo ok? LAPYEW!! Sabay MAGTATATALON sa
TUWA ang HINAYUPAK! Tatawagan lahat ng
BARKADA.. "YEESSS! Tara mga tol GIMIK na
tayo! Maraming CHIKS sa TIMOG ngayon!
BREAK na kami ng GF ko MAMBABAE tayo!"
haha! MAGKA-HERPES KA SANA UNGGOY!!

Saka bakit pag MAGANDA GF nila BANTAY-
SARADO kahit saan! Daig pa ang mga
PULIS sa BILIBID PRISON kung MAKAGUARDYA
baka daw kase MASULOT! eh pag HINDI
MAGANDA: Ginawa 2 MISMO ng KAKILALA KO!
Grabe talaga 2! Nandun kc kami sa labas
ng CONCERT ng BLACK EYED PEAS SA
P.I.C.C. NUN, tapos nakasalubong namin
yung kakilala namin galing daw sa STAR
CITY kasama yung GF nya sabi "Uy Duane!
Kamusta?! PAUWI NA KAMI EH, nood ba
kayo sa CONCERT ng.. BLAK EYE PEACE?"
hayuf sa ispeling! haha! sabi ko "Oo
tol" UMAASIM yung pagmumukha nya kase
syempre KASAMA nya GF nya.. Maya2x nung
papasok na kami sa loob eh bigla ba
naman sya kumaripas ng takbo sa BILIHAN
ng tiket tapos BUMILI NG ISA!! Sabay
sabi sa GF nya "ETO TRENTA UMUWI KA NA!"
Inaway! sabay pasok.. sabi ko "ANG SAMA
MO! Akala ko ba uuwi na kayo? Bakit mo
PINAUWI BASTA yung GF mo? Sana isinama
mo na lang!", "Sori DUANE la ako pera eh
saka di ko naman sya pinauwi eh",
sabi ko "Gago ka ba? rinig na rinig ko
TINABOY MO eh! MALI yun tol! eto ang
matinde! Sabi nya: "Tol hindi ko naman
talaga sya pinauwi eh"

sabi ko "O NASAN NA?".. lam mo sabe??

"ANDUN PINAG-ANTAY KO SA LABAS!"

waaaaahhhh!!

ang sama ampotah! awang-awa ako eh!
PAG ANG BF MO GANYAN, IWANAN NA YAN!

Saturday, February 9, 2008

Hippy kulelat



Ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang hip-hop? kapag ba kasali ka sa isang samahan matatawag ka na ba na hip-hop? kapag ba malaki ang suot at may sangkaterbang nagkikinangang kwintas at sing sing na animoy palamuti tuwing pasko ay hip-hop ka na? para sa mga dugyot na nag lipana saang mang sulok ng impyerno ay parang lumalabas na isa ka ng ganap na hip-hop kapag ganon ang inyong anyo, na taliwas sa paniniwala ko at paniniwala ng ibang makata dito sa ating bansa, na siya namang tunay at realidad lamang, sapagkat ang hip-hop ay isang passion o hilig sa kultura na dapat ay na puso nag mumula, sa nakikita ko ngayon ang kultura ng hip-hop partikular na ang "rap scene" dito sa ating bansa ay unti unti ng lumulubog na parang barkong butas sapagkat marame sa mga nag pupumiling hip-hop ay nag sisigawaan ng mga kanta o rap na panabla na wala naman laman ang kanilang liriko, kaya ang kinalabasan pag binenta sa kalye ay di tinatangkilik ng madla, dahil walang kabuluhan, di ako nakikialam sa mga taong yan sapagkat di mo naman mapipigilan yan, parang pag agos lang ng tubig sa batis yan kaibigan, ngunit ano ang mangyayari kung ganyan ang sistema, na parang gobyerno sa pinas walang pag babago, isa pa dito ay marame ang nag kakagulo sa kadahilanan na pare-parehong nag papataasan ng ihi, batohan ng masasakit na salita, sa tingin nyo ba ay magiging maganda ang imahe pag ganyan ang ginawa? kelangan ba na mag sibuhatan ng sariling bangko para lang masabi na ikaw at kayo ang mataas? sa tingin nyo ba na makakapag walis ka kung isa lang ang gamit na tingting? kung di ka bobo makukuha mo ang aking sinasabi kaibigan, bakit di natin subukan na muling iangat ang ating kinalakihang kultura, imbes na sariling bangko ang iangat ay micropono lapis at papel ang ating itaas, di ba kaibigan? wala akong masamang tinapay sa mga iba dyan, ngunit di na kayo nakakatuwa, wag nyo bahiran ng putik ang dating malinis at busilak na larangan, subukan natin mag kaisa kaibigan para din naman ito sa kapakanan ng iba, wag natin samahan ng inggit pera at kabayabasan ang ating kultura...

Droga



Sa mga intelehenteng tao ito ay gamot o lunas sa ano mang karamdaman, sa kabilang banda naman ayun sa mga pulpul para sa kanila ito daw ay gamot para sa mga nalulungkot na espirito, ano ba ang meron sa mga drogang ito at nawiwili ang ating mga kabataan sa ating henerasyon? base sa aking karanasan di ako para maging poncio pilato na mag huhugas kamay at nag mamalinis ako rin ay minsan nahumaling sa ganitong klase ng ipinag babawal na gamot, nung kapanahunan ko lumapat din sa aking palad at baga ang usok na nangaling sa nag babagang damo, tumaas ang aking pakiramdam na animoy natutulog lang, at panandalian nalimutan ang problema,mundo koy tumigil, lumipad ng matayog, pero kung susumain mo ang lahat ay wala talaga itong magandang maidudulot lalong lalo na sa iyong katawan,ayon sa ibang kabataan na aking nakasalamuha sa aking pag lalakbay, ibat iba ang kanilang pananaw sa droga, ang iba sa kanila ay gumagamit lang para sila daw ay "in" sa kanilang samahan, meron naman sa kanila ay para lang malimutan ang problema, na minsan nag sasanhi ng pagka sira ng kanilang mga utak, di mo rin masisi ang iba dyan dahil mag kakaiba tayo ng pinag dadaanan sa buhay, at di mo rin masisi ang mga tulak o mga gumagawa ng drogang ito sapagkat na sa tao na rin mismo ang desisyon kung alam mo na masama bakit mo pa ito gagamitin, ika nga ng mga iba dyan masarap daw ang bawal, pero ang bawal kadalasan ang siyang mag hahatak sayo pababa, nais ko lang na ipabatid sa ating mga kabataan na hindi laro ang pag gamit ng droga sapagkat ito ay marameng masamang maidudulot sayo at sa katawan mo, nasasayo ang desisyon kaibigan, walang masamang sumubok dahil alam ko at alam nyo rin na sa panahon natin ngayon e dadaan at dadaan sa inyong nilalakaran ang droga, pero siguraduhin nyo sa inyong sarili na kaya nyong panindigan ang bawat magaganap na pang yayari, wag nyo sanang isugal ang inyong kinabukasan sa isang hithit at pag higop nito...salamat kaibigan...