Saturday, February 9, 2008

Hippy kulelat



Ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang hip-hop? kapag ba kasali ka sa isang samahan matatawag ka na ba na hip-hop? kapag ba malaki ang suot at may sangkaterbang nagkikinangang kwintas at sing sing na animoy palamuti tuwing pasko ay hip-hop ka na? para sa mga dugyot na nag lipana saang mang sulok ng impyerno ay parang lumalabas na isa ka ng ganap na hip-hop kapag ganon ang inyong anyo, na taliwas sa paniniwala ko at paniniwala ng ibang makata dito sa ating bansa, na siya namang tunay at realidad lamang, sapagkat ang hip-hop ay isang passion o hilig sa kultura na dapat ay na puso nag mumula, sa nakikita ko ngayon ang kultura ng hip-hop partikular na ang "rap scene" dito sa ating bansa ay unti unti ng lumulubog na parang barkong butas sapagkat marame sa mga nag pupumiling hip-hop ay nag sisigawaan ng mga kanta o rap na panabla na wala naman laman ang kanilang liriko, kaya ang kinalabasan pag binenta sa kalye ay di tinatangkilik ng madla, dahil walang kabuluhan, di ako nakikialam sa mga taong yan sapagkat di mo naman mapipigilan yan, parang pag agos lang ng tubig sa batis yan kaibigan, ngunit ano ang mangyayari kung ganyan ang sistema, na parang gobyerno sa pinas walang pag babago, isa pa dito ay marame ang nag kakagulo sa kadahilanan na pare-parehong nag papataasan ng ihi, batohan ng masasakit na salita, sa tingin nyo ba ay magiging maganda ang imahe pag ganyan ang ginawa? kelangan ba na mag sibuhatan ng sariling bangko para lang masabi na ikaw at kayo ang mataas? sa tingin nyo ba na makakapag walis ka kung isa lang ang gamit na tingting? kung di ka bobo makukuha mo ang aking sinasabi kaibigan, bakit di natin subukan na muling iangat ang ating kinalakihang kultura, imbes na sariling bangko ang iangat ay micropono lapis at papel ang ating itaas, di ba kaibigan? wala akong masamang tinapay sa mga iba dyan, ngunit di na kayo nakakatuwa, wag nyo bahiran ng putik ang dating malinis at busilak na larangan, subukan natin mag kaisa kaibigan para din naman ito sa kapakanan ng iba, wag natin samahan ng inggit pera at kabayabasan ang ating kultura...

No comments: