Saturday, February 9, 2008

Droga



Sa mga intelehenteng tao ito ay gamot o lunas sa ano mang karamdaman, sa kabilang banda naman ayun sa mga pulpul para sa kanila ito daw ay gamot para sa mga nalulungkot na espirito, ano ba ang meron sa mga drogang ito at nawiwili ang ating mga kabataan sa ating henerasyon? base sa aking karanasan di ako para maging poncio pilato na mag huhugas kamay at nag mamalinis ako rin ay minsan nahumaling sa ganitong klase ng ipinag babawal na gamot, nung kapanahunan ko lumapat din sa aking palad at baga ang usok na nangaling sa nag babagang damo, tumaas ang aking pakiramdam na animoy natutulog lang, at panandalian nalimutan ang problema,mundo koy tumigil, lumipad ng matayog, pero kung susumain mo ang lahat ay wala talaga itong magandang maidudulot lalong lalo na sa iyong katawan,ayon sa ibang kabataan na aking nakasalamuha sa aking pag lalakbay, ibat iba ang kanilang pananaw sa droga, ang iba sa kanila ay gumagamit lang para sila daw ay "in" sa kanilang samahan, meron naman sa kanila ay para lang malimutan ang problema, na minsan nag sasanhi ng pagka sira ng kanilang mga utak, di mo rin masisi ang iba dyan dahil mag kakaiba tayo ng pinag dadaanan sa buhay, at di mo rin masisi ang mga tulak o mga gumagawa ng drogang ito sapagkat na sa tao na rin mismo ang desisyon kung alam mo na masama bakit mo pa ito gagamitin, ika nga ng mga iba dyan masarap daw ang bawal, pero ang bawal kadalasan ang siyang mag hahatak sayo pababa, nais ko lang na ipabatid sa ating mga kabataan na hindi laro ang pag gamit ng droga sapagkat ito ay marameng masamang maidudulot sayo at sa katawan mo, nasasayo ang desisyon kaibigan, walang masamang sumubok dahil alam ko at alam nyo rin na sa panahon natin ngayon e dadaan at dadaan sa inyong nilalakaran ang droga, pero siguraduhin nyo sa inyong sarili na kaya nyong panindigan ang bawat magaganap na pang yayari, wag nyo sanang isugal ang inyong kinabukasan sa isang hithit at pag higop nito...salamat kaibigan...

No comments: