Monday, February 11, 2008

Blindrhyme productions audition

Photobucket

blindrhyme productions audition

blindrhyme productionsblind rhyme
productions will hold a
ONE DAY ONLY audition for rappers solo
or group

para sa mga hindi bumitaw,
para sa lahat ng nag antay……

blind rhyme productions presents……

"The Blind Rhyme compilation audition"
one day to impress, 10 lucky will be
chosen . . . .

February 24,2008 (Sunday)9:00am-11:59pm
venue:
Kainan ni Joseph Strata
Ground Floor, Strata 2000
Building,Garnet Road,
Ortigas Center,Pasig City.
(beside PLDT emerald avenue)

no age limit, no gender limitations….

the judges are:
Klutch B. of chinese mafia
Quaizy Mad Illeon of madd poets,
Kemikal Ali of bb clan,
and Darmo Kandado.

registration fee: P100 for solo, P150
per group

NOTE: Only sixty (60) groups will be
auditioned, so register early,
first come first serve.

the chosen artists will be
introduced / featured
in the blindrhyme compilation album
scheduled for release
on June 2008.

"bring your skills….leave your bling
home."

baka ito na inaantay mo…….please pass.

thankyou and good luck sa lahat,

Denmark Repuyan C.E.O. Blindrhyme
Productions

______________________________

for early registration: look for Lanie
c/o Tapsi ni pasing- kainan ni joseph
strata
Ground Floor, Strata 2000
Building,Garnet Road,
Ortigas Center,Pasig City.
(beside PLDT emerald avenue)
Monday-Saturday (5pm-11pm only)

Sunday, February 10, 2008

Babae

Kaibigan nakuha ko itong isang post na toh sa aking friendster bulletin na nag mula sa ating kapatid na si duanesis ( apokalipsis ) na ang pamagat ay "Bakit ba LAGING mga BABAE na lang parati ang SINISISI sa RELATIONSHIP?" batay sa aking mga nabasa ay pawang katotohanan ang lahat ng salaysay na naka paloob sa post na ito...sana pag katapos ninyo basahin lalong lalo na ang mga kalalakihan ay maliwanagan sila...na minsan bilang lalaki meron rin tayong mga pag kakamali na kadalasan sa mga babae na natin ipinapasa ang lahat ng pag kakamali kahit na alam naman natin na tayo ang mali ito na siya pag bilang ng tatlo...ieere ko na toh...isa...dalawa...tatlo...

Ang BOYFRIEND nga naman..
Bakit pag ang BF mo nakita ang EX mo
sa party na pinuntahan nyo at nainis
sya, UNDERSTANDABLE, pero pag ikaw
ang nailang sa EX nya, MAARTE KA!
Tapos pag ang BF mo hindi ka mahanap
sasabihin LAKWATSERA KA, pero PAG SYA
naman HINANAP mo, POSSESSIVE KA! Saka
bakit pag MAGANDA GF nila dapat sa
Friday's, Manila Hotel, o kaya sa
Shangri-La pa! PERO PAG PANGET: "Ikaw
na magsaing ng kanin mo! lamon ka ng
lamon kaya ka MINAMANAS! Magtyaga ka sa
SARDINAS! Natutulog ako D2 ISTORBO ka
naman eh!". TAENA! LOLS!!

Pag ang BF mo TAWAG NG TAWAG sayo
CONCERNED sya, pero pag ikaw ang
tumawag, MAKULIT KA! pota! laugh trip!
pag ang BF mo laging naka-embrace at
kiss sayo sa PUBLIC, AFFECTIONATE sya,
pag IKAW naman ang laging NAKA-HUG,
Tingin nya syo PokPok! SALAULA! "PDA"
Walang Modo at wala ka raw hiya sa
tao! putcha SAPAKIN MO! haha! NABASAG
TAMA KO DYAN! Tapos pag bf mo palaging
NAGYAYAYA MAG-DATE kayo, SWEET sya,
pag IKAW NAGYAYA.. DEMANDING ka, saka
MAGPAPALIBRE ka lang! PWE! Yayain mo
TUMALON sa MT. BANAHAW!! At saka pag
ang bf mo laging sinasabi na LAB KA
NYA, ROMANTIC sya, pag IKAW na ang
nagsabi.. PATAY NA PATAY KA sa KANYA! =)

ETO PA! Bakit pag ang JOWA mo
NAGLALAWAY sa FHM, NATURAL lang, pero
pag ikaw KINILIG kay CHANNING TATUM..
MALANDI KA RAW?! wahahaha!! Tapos pag
NAG-OFFER sya MAGHATID-SUNDO sayo
PROTECTIVE sya, Kapag IKAW.. TAMANG
HINALA KA!! Hahaha!

Saka e2 ang Klasik! Pag MAGANDA
GF: "ay, ur sick, honey? cge, i'll
just visit u l8r, ha? aalagaan kita".
Pag OPPOSITE: "Aww ganun ba baby? oh cge
pagaling ka po k? wag ka lalabas ng
bahay ng 3 months ha! Baka MAHAMUGAN ka,
saka ITAGO mo na yang CP mo wag ka muna
MAGTETEXT-TEXT, me na lang MAGTE-TEXT
sayo ok? LAPYEW!! Sabay MAGTATATALON sa
TUWA ang HINAYUPAK! Tatawagan lahat ng
BARKADA.. "YEESSS! Tara mga tol GIMIK na
tayo! Maraming CHIKS sa TIMOG ngayon!
BREAK na kami ng GF ko MAMBABAE tayo!"
haha! MAGKA-HERPES KA SANA UNGGOY!!

Saka bakit pag MAGANDA GF nila BANTAY-
SARADO kahit saan! Daig pa ang mga
PULIS sa BILIBID PRISON kung MAKAGUARDYA
baka daw kase MASULOT! eh pag HINDI
MAGANDA: Ginawa 2 MISMO ng KAKILALA KO!
Grabe talaga 2! Nandun kc kami sa labas
ng CONCERT ng BLACK EYED PEAS SA
P.I.C.C. NUN, tapos nakasalubong namin
yung kakilala namin galing daw sa STAR
CITY kasama yung GF nya sabi "Uy Duane!
Kamusta?! PAUWI NA KAMI EH, nood ba
kayo sa CONCERT ng.. BLAK EYE PEACE?"
hayuf sa ispeling! haha! sabi ko "Oo
tol" UMAASIM yung pagmumukha nya kase
syempre KASAMA nya GF nya.. Maya2x nung
papasok na kami sa loob eh bigla ba
naman sya kumaripas ng takbo sa BILIHAN
ng tiket tapos BUMILI NG ISA!! Sabay
sabi sa GF nya "ETO TRENTA UMUWI KA NA!"
Inaway! sabay pasok.. sabi ko "ANG SAMA
MO! Akala ko ba uuwi na kayo? Bakit mo
PINAUWI BASTA yung GF mo? Sana isinama
mo na lang!", "Sori DUANE la ako pera eh
saka di ko naman sya pinauwi eh",
sabi ko "Gago ka ba? rinig na rinig ko
TINABOY MO eh! MALI yun tol! eto ang
matinde! Sabi nya: "Tol hindi ko naman
talaga sya pinauwi eh"

sabi ko "O NASAN NA?".. lam mo sabe??

"ANDUN PINAG-ANTAY KO SA LABAS!"

waaaaahhhh!!

ang sama ampotah! awang-awa ako eh!
PAG ANG BF MO GANYAN, IWANAN NA YAN!

Saturday, February 9, 2008

Hippy kulelat



Ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang hip-hop? kapag ba kasali ka sa isang samahan matatawag ka na ba na hip-hop? kapag ba malaki ang suot at may sangkaterbang nagkikinangang kwintas at sing sing na animoy palamuti tuwing pasko ay hip-hop ka na? para sa mga dugyot na nag lipana saang mang sulok ng impyerno ay parang lumalabas na isa ka ng ganap na hip-hop kapag ganon ang inyong anyo, na taliwas sa paniniwala ko at paniniwala ng ibang makata dito sa ating bansa, na siya namang tunay at realidad lamang, sapagkat ang hip-hop ay isang passion o hilig sa kultura na dapat ay na puso nag mumula, sa nakikita ko ngayon ang kultura ng hip-hop partikular na ang "rap scene" dito sa ating bansa ay unti unti ng lumulubog na parang barkong butas sapagkat marame sa mga nag pupumiling hip-hop ay nag sisigawaan ng mga kanta o rap na panabla na wala naman laman ang kanilang liriko, kaya ang kinalabasan pag binenta sa kalye ay di tinatangkilik ng madla, dahil walang kabuluhan, di ako nakikialam sa mga taong yan sapagkat di mo naman mapipigilan yan, parang pag agos lang ng tubig sa batis yan kaibigan, ngunit ano ang mangyayari kung ganyan ang sistema, na parang gobyerno sa pinas walang pag babago, isa pa dito ay marame ang nag kakagulo sa kadahilanan na pare-parehong nag papataasan ng ihi, batohan ng masasakit na salita, sa tingin nyo ba ay magiging maganda ang imahe pag ganyan ang ginawa? kelangan ba na mag sibuhatan ng sariling bangko para lang masabi na ikaw at kayo ang mataas? sa tingin nyo ba na makakapag walis ka kung isa lang ang gamit na tingting? kung di ka bobo makukuha mo ang aking sinasabi kaibigan, bakit di natin subukan na muling iangat ang ating kinalakihang kultura, imbes na sariling bangko ang iangat ay micropono lapis at papel ang ating itaas, di ba kaibigan? wala akong masamang tinapay sa mga iba dyan, ngunit di na kayo nakakatuwa, wag nyo bahiran ng putik ang dating malinis at busilak na larangan, subukan natin mag kaisa kaibigan para din naman ito sa kapakanan ng iba, wag natin samahan ng inggit pera at kabayabasan ang ating kultura...

Droga



Sa mga intelehenteng tao ito ay gamot o lunas sa ano mang karamdaman, sa kabilang banda naman ayun sa mga pulpul para sa kanila ito daw ay gamot para sa mga nalulungkot na espirito, ano ba ang meron sa mga drogang ito at nawiwili ang ating mga kabataan sa ating henerasyon? base sa aking karanasan di ako para maging poncio pilato na mag huhugas kamay at nag mamalinis ako rin ay minsan nahumaling sa ganitong klase ng ipinag babawal na gamot, nung kapanahunan ko lumapat din sa aking palad at baga ang usok na nangaling sa nag babagang damo, tumaas ang aking pakiramdam na animoy natutulog lang, at panandalian nalimutan ang problema,mundo koy tumigil, lumipad ng matayog, pero kung susumain mo ang lahat ay wala talaga itong magandang maidudulot lalong lalo na sa iyong katawan,ayon sa ibang kabataan na aking nakasalamuha sa aking pag lalakbay, ibat iba ang kanilang pananaw sa droga, ang iba sa kanila ay gumagamit lang para sila daw ay "in" sa kanilang samahan, meron naman sa kanila ay para lang malimutan ang problema, na minsan nag sasanhi ng pagka sira ng kanilang mga utak, di mo rin masisi ang iba dyan dahil mag kakaiba tayo ng pinag dadaanan sa buhay, at di mo rin masisi ang mga tulak o mga gumagawa ng drogang ito sapagkat na sa tao na rin mismo ang desisyon kung alam mo na masama bakit mo pa ito gagamitin, ika nga ng mga iba dyan masarap daw ang bawal, pero ang bawal kadalasan ang siyang mag hahatak sayo pababa, nais ko lang na ipabatid sa ating mga kabataan na hindi laro ang pag gamit ng droga sapagkat ito ay marameng masamang maidudulot sayo at sa katawan mo, nasasayo ang desisyon kaibigan, walang masamang sumubok dahil alam ko at alam nyo rin na sa panahon natin ngayon e dadaan at dadaan sa inyong nilalakaran ang droga, pero siguraduhin nyo sa inyong sarili na kaya nyong panindigan ang bawat magaganap na pang yayari, wag nyo sanang isugal ang inyong kinabukasan sa isang hithit at pag higop nito...salamat kaibigan...